Ang pagmamahal at pag-aalaga sa atay ay isa sa mga bagay na importanteng gawin sa buhay habang maaga pa. Ayon sa mga pag-aaral, sa pamamagitan ng tamang diet, matutulungan mo ang iyong atay na mas maging high functioning at malakas.
Ngayong holiday season, mapaparami na naman tayo ng kain at mahirap na naman na sundin ang tamang diet, kaya naman importanteng malaman kung ano ang mga pagkain na makakatulong protektahan ang atay:
1. Green Tea – ayon sa pagsusuri, ang pag-inom ng 3 cups ng Green Tea ay nakakatulong maiwasan ang liver cancer, liver disease, cirrhosis at hepatitis.
2. Turmeric – ang turmeric ay mayroong anti-inflammatory, anti-fungal, anti-viral and anti-bacterial properties na nakakatulong protektahan ang atay laban sa mga impeksyon at karamdaman na maidudulot ng oxidative stress.
3. Avocado – mayaman sa antioxidant at mayroong anti-inflammatory properties na nakakatulong bawasan ang liver damages na sanhi ng free radicals.
4. Lemon – mayaman sa Vitamin C, ang lemon ay nakakatulong patatagin ang immune system at protektahan ang atay laban sa mga impeksyon at karamdaman.
5. Apple – may antioxidant properties na nakakatulong protektahan ang atay laban sa mga sakit kagaya ng hepatic steatosis.
6. Ganoderma – kilala din bilang Reishi Mushroom, ang Ganoderma ay nakakatulong labanan ang inflammation at impeksyon na maaaring makapinsala sa atay.
7. Silymarin – kilala na nakakatulong sa pagtatanggal ng toxins sa atay na maaaring makuha sa pagkain at inumin.
8. Alpha Lipoic Acid – nakukuha ang ALA sa spinach, broccoli, yam, potatoes at red meat na nakakatulong protektahan ang atay laban sa mga damages mula sa free radical damages.
9. Sodium Ascorbate – makukuha sa citrus fruits at green leafy vegetables na siyang nakakatulong palakasin ang immune system ng ating katawan.
10. Amino Acid Complex – maaaring makuha sa itlog, turkey, lamb, keso at isda na makakatulong sa liver regeneration.
Sa pamamagitan ng pagkain ng mga pagkain na nakakatulong protektahan ang atay ay matutulungan ang katawan na maiwasan ang mga sakit.
Bukod diyan, sa tulong ng mga supplement, maaari din na palakasin ang atay laban sa mga sakit.
Buti na lang at mayroong supplement na sadyang nakakatulong sa atay na nagtataglay ng mga sangkap kagaya ng Sodium Ascorbate, Silymarin, Ganoderma, Alpha Lipoic Acid and Amino Acid Complex na maaaring palakasin pa ang immune system upang maprotektahan ang atay at maiwasan ang mga sakit sa atay dulot ng toxins at free radicals. Bukod diyan, ang pinagsamasamang sangkap na ito ay nakakatulong din na i-regulate ang cholesterol levels, blood sugar levels at blood pressure. Ang LiverMarin Plus ay bagong supplement na approved ng FDA na nagtataglay ng mga ingredients na nakakatulong protektahan ang atay. Nakakatulong din ito na ma-manage ng maayos ang SGPT at SGOT levels ng atay upang maiwasan ang Hepatitis A and B.