Laglag sa mga tauhan ng Valenzuela City Police ang nasa pang-5 at pang-7 sa drugs watchlist ng pulisya sa isinagawang buy-bust operation kahapon ng madaling-araw sa nasabing lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Valenzuela City Police – Station Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group, alas-dos ng madaling-araw nang magsagawa ng buy-bust ope­ration sa hideout ng suspek na si Raquel Galvez, 35-an­yos sa Santos Subdivision, Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod na nasa ika-pito sa listahan ng pulisya.

Naaresto rin sa mismong bahay ang nasa ika-lima sa listahan ng mga awtoridad na si Froilan Martin, 30-anyos at iba pa nilang mga kasamahan sa pag-ooperate ng iligal na gawain na sina Emily Marquez, 30-anyos din, Bryan Tobias, 27-anyos, ­Manuel Ligsa, 43-anyos at Ronnie­lyn Valler, 18-anyos na pawang mga residente rin ng nasabing lugar at nakumpiska ang limang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Valenzuela City Police ang mga naarestong suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.