Top 5 NBA GOAT ni StephCurry

Top 5 NBA GOAT ni StephCurry

jordan no. 1, lebron no. 3

Isa sa pinakamahusay na National Basketball Association star ngayon ang three-time NBA champion na si Stephen Curry, kahilera na ng ilang mga top name tulad nina Kobe Bryant, LeBron James at iba pa.

Pero katulad ng ibang mga fan, nananatiling mapagpakum­baba si Curry nang tanungin kung sino para sa kanya ang all-time five sa NBA.

Sa panayam sa kanya sa Oakland bilang parte sa pag-promote sa kanyang Facebook Watch original series na ‘Stephen vs The Game’, nilahad ni Curry ang limang manlalaro na maitutu­ring na pinakamatikas na lineup sa NBA.

Ang mga nakapasok ay sina Chicago Bulls legend Michael Jordan, Lakers Hall of Famer Wilton Chamberlain, ang pinakadominanteng big man na si Shaquille O’Neal, combo guard Earvin ‘Magic’ Johnson at ang mahigpit na karibal na si LeBron James.

“I would say Jordan, Wilt, LeBron, Shaq, and Magic,” saad niya.
Kapansin-pansin na hindi isinama ni Curry ang kanyang sarili sa listahan.
Hindi naman kataka-taka ang mga nakasali sa Top 5 ni Curry, lahat ay multi-titled champion at gumawa na ng sariling marka sa pangunahing liga sa mundo. (RMP)