Top 9 most wanted laglag

Dinakip ng Parañaque City Police ang isang lalaki na tinaguriang Top 9 Most Wanted Person sa lungsod nitong Sabado ng hapon.

Kinilala ni Parañaque City Police chief, Sr. Supt. Jemar Modequillo ang akusadong si Boyet Rodriguez, alyas ‘Rodrigo Rodriguez y Nagala’, 59, walang trabaho, ng Lower Barangay San Antonio Valley 1, ng naturang siyudad.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), alas-singko ng hapon nang arestuhin ng mga pulis ang nasabing ­suspek sa kanyang tirahan ­matapos isilbi ang ­warrant of arrest na inisyu ni Parañaque Regional Trial Court (RTC) Branch 196 Judge Brigido Artemon Luna dahil sa kasong robbery.