Maraming impormasyon na umano ang ikinanta ng sumukong No. 1 drug personality sa Central Visayas na si Franz Sabalones, ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Sa isang pagharap sa media kahapon, sinabi ni CIDG director Chief Supt. Roel Obusan na ‘best source’ nilang maituturing si Sabalones dahil sa dami ng naibunyag nitong impormasyon na higit pa sa na-piga nila sa 30 naunang sumuko na mga opisyal ng gobyerno.
Kaugnay nito, inamin umano ni Sabalones kay Philippine National Police (PNP) Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa na may isang police colonel sa Gitnang Visayas ang tumatanggap umano ng P200,000 lingguhang padulas sa mga drug transactions sa lugar.
“Up to a colonel, he was giving money. P200,000 weekly,” pahayag ni Bato nang tanungin ang pinag-usapan nila ng noo’y No. 2 drug personality sa Central Visayas na si Sabalones bago napatay ang naghaharing alyas ‘Jaguar’.
“He told me the amount he also gives to the chief of police. He also disclosed some names who are involved in illegal drugs,” dagdag ni Bato na nanatiling tikom ang bibig sa pangalan ng sinasabing colonel.
Samantala, mananatili sa CIDG si Sabalones dahil tuluy-tuloy parin ang imbestigasyon sa kanya.
WAG AGAD MANIWALA SA MGA KINANTA NA MGA TAONG KASAPI….BAKA NANGDADAMAY LANG YANG KUPALHAR NA YAN!!