STANDINGS
TEAMS W L
TNT Katropa 5 0
Mahindra 4 1
San Miguel 4 1
Ginebra 4 2
Rain or Shine 3 2
Meralco 3 3
NLEX 2 3
Phoenix 2 3
GlobalPort 1 4
Alaska 1 4
Blackwater 1 4
Star 1 4
Games ngayon: (Smart Aranet Coliseum)
4:15 p.m. — NLEX vs. Mahindra
7:00 p.m. — Meralco vs. Blackwater
Walang paki si Norman Black kung maglaro man o hindi ang dati niyang Meralco import at ngayo’y nasa Blackwater na si Eric Dawson, dahil ang makatapos sa top four ang pokus niya umpisa mamayang ala-siete ng gabi sa Oppo PBA Governors’ Cup eliminations sa Smart Araneta Coliseum.
Magpapangita sa seven nightcap ang sixth-running Meralco (3-3) at kahabilo sa apat sa ninth spot na Blackwater (1-4) na wala na nga dahil sa injured sina John Paul Erram (knee) at Fil-Am Mike Cortez (calf), pero baka ‘di pa makasalang na si Dawson.
Nagka-back spasm sa early part ito sa game ng Blackwater noong Linggo laban sa TNT Katropa na pinaliguan sila 109-89. Hindi nakapag-ensayo si Dawson nung Lunes at kahapon base sa arawang checkup sa kanya.
“Huge game for both teams as we fight for the twice to beat advantage,” pauna ng Bolts coach na isa sa tatlo sa apat na teams na mga bubuelo mula sa huling semplang, taob ang kampo niya nung Linggo sa GlobalPort sa double overtime 123-126.
“Keys of the game for us are to sprint back on defense to cut off their fastbreak. Way but we also need locals to be on top of their game,” panapos ni Black, na kay Allen Durham labis na sasangkalan.
Sa 4:15 p.m. opening game ang bunuan nang katabla sa second spot na Mahindra (4-1) at kahilera sa seventh na NLEX (2-3). Galing ang Enforcers sa 100-94 pagkasilat sa Phoenix na tumapos sa conference best start na four straight wins, samantalang asam ng NLEX ang unang back-to-back W.
“We have to play solid on defense and offense to give our team a chance to win,” giit ni Road Warriors coach Boyet Fernandez na kakakalso lang sa three-game losing skid via 88-85 victory sa Star noong Biyernes.
“Mahindra had been playing well under a new coach and they have a very good import, we have to match up laso their energy and effort if we want to upset them,” hirit ni Fernandez.
“Mahindra is currently the best team in field goal percentage, we have to challenge really hard on their shots so they will miss it and will have to battle on the rebounds.”