Top seed ang Lady Bulldogs

risa-sato-nu

Kinumpleto ng Arellano (4-1) ang top two teams sa Group B na sasampa sa semifinals matapos sipain ang UP 22-25, 25-10, 25-19, 32-34, 15-3 kahapon sa inaugural Premier Volleyball League Collegiate Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Mula Group B ay sigurado na rin sa next round ang Adamson (4-0).

Sa second game, tumikim din ng panalo ang College of St. Benilde (1-4) nang alpasan ang TIP (0-5) 18-25, 25-19, 25-22, 25-22.

Sa nightcap, sumandal ang NU sa crosscourt hits ni Aiko Urdas sa dulo para kalusin ang Ateneo 25-21, 13-25, 25-19, 25-22 at upuan ang unang semis seat sa Group A via sweep.

Top seed ang Lady Bulldogs, toka ang No. 2 sa Group B sa crossover semis.

Tinapos ng Lady Eagles ang elims sa 3-2, puwede pang mapagsarhan sa semis kung tatalunin ng FEU (3-1) ang out nang Lyceum sa final elims playdate bukas.

Napilayan sa kaliwang tuhod si Justine Dorog ng UP nang mapasama ang landing sa fourth at hindi na nakalabalik.

Nagtala si Jovielyn Prado ng 26 points, 23 mula kills, at may 17 excellent receptions para sa Arellano U.