Nakatsikahan namin sa ‘Tambayan Ng Tsika Abante Tonite’ para sa Abante TNT Live ang isang actress na gumagawa ng sa­riling pangalan sa showbiz, si Tori Garcia.

Three years pa lang siya dito sa Pilipinas at marami-rami na rin siyang projects na nagawa. Filipina siya, pero sa Singapore lumaki at Singaporean citizen na siya.

Ayon kay Tori, nakapasok siya sa showbiz nang mag-promote ang TFC (The Filipino Channel) tungkol sa workshop ng Star Magic. Ayaw ng ina niyang mag-artista siya kaya long battle raw ang nangyari bago siya napapayag pumunta ng ‘Pinas. That time she was only 16 years old.

Nagkaroon sila ng kasunduan para siya mag-artista ay tapusin ang pag-aaral, na kanyang ginawa. Sa kagustuhan na masunod ang ambisyon to be an actress, ginawa niyang tapusin ang pag-aaral. At 18 ay nakatapos siya ng Mass Communication. Nang maka-graduate, pumunta na siya ng ‘Pinas dahil ayaw daw niyang magtrabaho ng 9 to 5. “There’s no money in arts… I don’t want to work from 9 a.m. to 5 p.m…I want to be an artist.”

Heto ang Q and A ng ‘Tambakan Ng Tsika Abante Tonite’ sa 21 years old na alaga ni Throy Catan.

TNT TONITE: Paano mo na-achieve na makapasok sa industriya?

A: “I got a manager on my own. Nag-search ako sa Internet and I saw his name (Throy Catan). I was very thankful because he’s similar to my mom. Very strict, but when it comes to work iga-guide ka niya nang mabuti. Pinapayuhan ka niya… and I like to listen more than talk.”

TNT TONITE: Na-inlove ka na ba sa isang actor? At kung meron, who’s that guy?

A: “Uhmm.. Kinda sort of.. He was a part of GMA-7. And he’s still in GMA. He’s name was Lucho Ayala. No, we did’t get together. It’s quick thing to happened and I realize nope… Napigil ko naman na ma-fall sa kanya.”

TNT TONITE: Nagkakilala rin kayo ni Iñigo Pascual sa workshop ng Star Magic. How was he? Nagparamdam din ba siya sa ‘yo?

A: “Opo… nagparamdam… there was some point na tapos na kaming mag-workshop… and then he was inviting me. We’re partners po kasi sa mga eksena.”

Ayon pa kay Tori, para sa kanya, tingin niya sa anak ni Piolo Pascual ay isang younger brother dahil mas bata ito sa kanya. Hindi naman daw niya pinaasa si Iñigo though very sweet daw ang young singer.

TNT TONITE: How about Diego Loyzaga na nakasama mo rin sa workshop?

A: “Diego… bad boy ng Star Magic. He’s type… if he sees something, he goes to it. We’re pairing sa intimating scene… may sexual chemistry kami kasi pareho kaming tumira sa ibang bansa.”

TNT TONITE: Paki-describe ang differences ng bawat isa – Lucho, Inigo at Diego — at bakit?

A: “Si Iñigo, he’s pa-sweet talaga. Like where in a cave nu’ng nagwo-workshop kami at malamig, he gave me his jacket. Napaka-caring niya. And after our scene, he’s inviting you to have some coffee, mga ganu’n po. His personality… his eyes… very-very focus on you ‘pag tinitingnan ka… it looks to your soul.

“Si Lucho po, I much attracted to him dahil sa age niya. Super masculine pa. Feeling ko with his one hand kayang-kaya niya akong buhatin. At ang kanyang abs. Hindi ko man nahipo but I almost felt it.

“Si Diego naman po… his aura… his biceps… very tone. Kumbaga, la­laking-lalaki.”

Si James Reid daw ang crush niya sa showbiz. Napaka-good looking daw ng binata. At makare-relate siya dahil pareho silang foreigner.

Handa rin daw niyang puksain ang JaDine fans if ever na makapasok siya sa eksena ng reel and real sweethearts.

Hanga naman siya sa young actor na si Joshua Garcia. “He’s a very good actor. I like the fact that he didn’t come from the showbiz family.. like me,” sambit ni Tori.

Isa ring stage actress si Tori. Lumabas siya sa play kasama sina Andres Vasquez, April ‘Congrats’ Castillo, Vivo Ouano, at John Raspado, ang ‘Solo Para Adultos (For Adults Only)’.

TNT TONITE: May bedscene sila ni Andres sa SPA. Paano niya na-handle ang very erotic scene na ‘yun?

A: “Growing up experience, doing Solos, in terms of ac­ting is so much learn about my body. You cannot make sapaw sa mga kasamahan mo. Our bed scene of Andres is so risky. Weird for me coz I can’t really do that. Actually, I was something I felt that scene… porn truth suppose to make out… Naka-white shirt ako and Andres only have a towel.

For me what I prepared myself… we talk about it. Naramdaman ko there’s an erection, ang ginawa ko I moved out.

Humi­ngi naman siya ng sorry.”

TNT TONITE: Kung ilo-launch siya sa solo movie pero kailangan ng frontal nudity, papayag ba siya?

A: “I think unfortunately not. I respect what I promise to my mom. Actually, there’s an offer na ‘yung sequel of ‘OTJ’ I was supposed to be there. Full frontal exposure walang daya, but I said no sa project. Nudity is my boundary. I’m sorry I can make daya… the most I can give you as far as not the frontal scene but the butt okey lang.”

Ang gusto raw na kind of movie ay tulad ng movie nina Empoy at Alessandra de Rossi, ang Kita Kita. “The weird Empoy Marquez… kung sila raw ang magtatambal… I think that would be a comic gold.”

TNT TONITE: You said you also want hosting. Nag-host na ba siya ng isang show?

A: “Yes po. I host ‘Wowowin’ for a short stint. ‘Du’n nga po nag-umpisa ang career ko. Nakita ng GMA-7 kaya sinama ako sa teleserye ng ‘One Happy Love Story’ with Kim Domingo’.

TNT TONITE: Speaking of Wowowin na si Willie Revillame ang main host. How was working with him?

A: “He’s jolly… he’s nice and energetic guy. Saka generous siya… he feed everyone kahit hindi part ng show. He give money sa mga tao na kahit nasa labas ng studio ay inaabutan niya.”

TNT TONITE: Kilala ang image ni Kuya Wil na playful, nagparamdam ba siya sa kanya?

A: “That’s why I stop working there… like Andres I gonna move… on them… I couldn’t believe it’s my first job.”

TNT TONITE: Willie Revillame na ‘yan? Baka naman nami-misinterpret lang niya. Siya na rin ang nagsabi na he’s nice?

A: “Mas mainam na rin ‘yung nag-iingat. I guess the inner feminist in me… I would rather to go. If I suppose to say yes… be practical… yes unpractical but you don’t have to sell your body… But for me that was my practicality.”

Kung masasama raw siya sa teleserye nina Jericho Rosales at Sam Milby ang gusto niyang makahalikan ay si Echo.

TNT TONITE: Why Echo?

A: “Pakiramdam ko ang kiss ni Echo ay mocha, si Sam ay vanilla na very common ang flavor,” pagtatapos ni Tori.