Tornadoes 7th sa AWCC

Naigapang ng Foton Pilipinas ang 25-17, 30-28, 25-23 win laban sa T. Grand ng Chinese Taipei para upuan ang seventh place ng 2016 AVC Asian Women’s Club Championship sa Alonte Sports Arena sa Binan kahapon.

Pinagpaguran nang husto ng Tornadoes ang mga puntos sa last two sets bago naipagpag ang Chinese sa pagtatapos ng kampanya sa torneo na i­norganisa ng Philippine Superliga, Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. at city government ng Biñan sa pangu­nguna ni Congw. Len Alonte.

Sa huling edisyon ng torneo sa Vietnam noong isang taon, tumapos na 8th ang Petron.

Nag-deliver si import Lindsay Stalzer ng 18 kills, may 13 attacks at two blocks ang kapwa niya American na si Ariel Usher para sa Tornadoes.

Saludo rin sa batang Chinese Taipe­i squad si Jaja Santiago, hindi na halos pinaglaro ni coach Fabio Menta sa third set nang kontrolin ng Foton Pilipina­s ang game.

“They are the youngest team in this tournament, but they never gave up,” anang 6-foot-5 na middle blocker, nire-recruit daw ng ilang club teams. “They displayed their big fighting hearts even when they’re down.”

Inamin ni Menta na kulang pa sa experience ang Tornadoes sa pagla­laro sa international tournaments. U­nang tinarget ng Foton ang semifinal fi­nish pero natalo sa Altay VC ng Kazakhstan sa second round at sa Ba’yi Shenzheng ng China sa quarterfinals at napagsarhan.