Mga laro ngayon (Alonte Sports Arena)
11:30 am — Japan vs. Indonesia
2:00 pm — Vietnam vs. Philippines
3:30 pm — Thailand vs. North Korea
6:30 pm — Chinese Taipei vs. China

Mataas ang standard ni Italian coach Fabio Menta, kaya kahit winalis ng Foton Pilipinas sa tatlong sets ang  Kwai Tsing ng Hongkong 25-20, 25-14, 25-10 sa si­mula ng 2016 AVC Asian Wo­men’s Club Championship kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan City ay hindi pa ito ganap na nasiyahan.

“We’re still a work in progress. We’re still far from perfect,” ani Menta. “I want the team to play a different level of volleyball. But considering that the team only had worked together for only 20 days and 18 days under a new coach, it’s been great. My grade to the team based on how they performed will not be too high; I’m going to give it seven and a half.”

Nagkakapaan pa ng laro ang Tornadoes, kaya nalamangan sila sa first set 4-8 sa unang technical timeout  pero pagbalik sa court ay biglang uminit sina Jovelyn Gonzaga at Aby Marano.

“We were shaky at first,” wika ni Gonzaga. “But in the latter part, we got our game back and we pressured them to commit some errors. It was a good game.”

Inaasahan ni Menta na mangangapa ang kanyang mga bataan sa umpisa bago nila mailabas ang tunay na laro. Nang makuha ang ritmo, humarurot at sinamantala ang height advantage kontra kalaban.

Tumipa si Jaja  Santiago ng seven kills, four blocks at isang ace para tumapos ng 12 points habang sina Gonzaga at Marano ay may tug 11 at eight hits ayon sa pagkakasunod.

Nagwagi rin ang Taichung Bank ng Chinese Taipei kontra Malaysia, 25-15, 25-22, 25-21 sa opening match.

Si skipper Man Lee Cheung ang namuno sa opensa para sa Hong Kong na may pitong puntos.