Mga laro ngayon:
(Ynares Sports Arena, Pasig)
12:00 nn – Opening Ceremony
2:00 pm – Sta. Lucia vs PLDT Home Fibr
4:00 pm – F2 Logistics vs Petron
6:00 pm – Cignal vs Foton
Nakaatang ulit sa balikat ni Rachel Ann Daquis ang Cignal na nais ibaon ang Foton sa 7th Philippine SuperLiga Invitational 2019 eliminations Sabado sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Winalis ng HD Spikers (1-0) sa opening day Martes, ang PLDT Home Fibr, 25-19, 25-8, 25-15, samantalang minalas ang Tornadoes (0-1) laban sa Sta. Lucia, 25-13, 18-25, 23-25, 19-25.
Humataw sa opensa ng Cignal si team captain Daquis sa iniskor na 13 habang agapay si fellow national pool member Roselyn Doria ng 10 puntos.
Nagdeliber din sina pool mainstays Mylene Paat na may anim na puntos, Jovelyn Gonzaga na nakalima at setter Alohi Robins-Hardy na may 8 excellent sets at 5 markers.
“Kahit walang ensayo, nag-perform naman sila. Nagawa nila ‘yung dapat mangyari,” ani Cignal coach Edgar Barroga.
Bitin ang performance sa opening game ng Foton nina Mina Aganon na may 15 pts., CJ Rosario na naka-13 markers at Justine Dorog na pumuntos ng 11. (Janiel Abby Toralba)