Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
5:00 p.m. — RC Cola-Army vs. Cignal
7:00 p.m. — Petron vs. Foton
Sure ball na sa semifinals ng Asics Philippine Superliga Grand Prix ang Petron at Foton na magkasalo sa top spot ng teams standings sa 8-1 records.
Pagkatapos ng sagupaan nila ngayong araw sa The Arena sa San Juan, rankings lang ang mababago pero sementado na sila sa top two.
Hindi mahalaga kay Serbian coach Moro Branislav ang placing, mas pinagtutuunan nito ng pansin ang improvement sa laro ng Tornadoes para sa preparasyon sa do-or-die game.
Sa huling laro ay kinalampag ng Foton ang Cignal 25-19, 25-14, 25-16, sa likod ng 17 points ni reinforcement Lindsay Stalzer at 11 ni Maika Ortiz.
Magkakaldagan ang RC Cola-Army at HD Spikers sa unang laro.
Tangan ng F2 Logistics ang No. 3, panigurado na sa Lady Troopers ang No. 4.
Maghihintay ang top two teams pagkatapos ng preliminary round, makakalaban ng No. 3 ang No. 6 habang katapat ng No. 4 ang No. 5 sa sudden-death playoffs.
Tatapatan ng mananalo sa pagitan ng third seed at no. 6 ang No. 2, kalaban ng top seed ang mananaig sa fourth seed-No. 5 match sa isa pang do-or-die semifinal showdown sa Disyembre 3 sa Ibalong Centrum sa Legazpi City.