Kahit ang pagda­ting nina import Lindsay Stalzer at Jaja Santiago, hindi naisalba ang Foton Pilipinas sa pagsadsad sa Altay VC ng Kazakhstan 27-25, 25-18, 25-21 sa pagtatapos ng pool play ng 2016 AVC Asian Women’s Club Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna kahapon.

Hindi kinaya ng Tornadoes ang mas matatangkad na Kazakhs sa torneo na inorganisa ng Philippine Superliga, Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. at city government ng Biñan sa pamumuno ni Congresswoman Len Alonte.

Sa iba pang laro na suportado ng SMM Sport, Nike, Senoh, Asics, Mikasa, Foton, BMW, Rexona, PLDT at Price Waterhouse Cooper, tinalo ng NEC Red Rockets ng Japan ang Thongtin Lienvietpost Bank ng Vietnam 25-15, 25-19, 25-13.

Laglag ang Foton Pilipinas sa pang-apat sa Group E at haharapin ang winner sa pagitan ng Bangkok Glass ng Thailand at Ba’yi Shenzheng ng China sa isa pang quarterfinals pairing.
Siklab ay susunod na yugto sa Biyernes.

Kontra Altay VC na ginigiyahan ng Turkish coach at sinahugan ng apat na imports, sa first set lang nakapalag ang Tornadoes bago nag-collapse.

Binagabag ng back spasms nitong nakaraang mga araw si Stalzer, samantalang si Santiago ay may laro din sa isa pang torneo kasama ng NU.

Pinangunahan ng nine kills at two blocks ni Stalzer ang Foton Pilipinas, may six kills, two blocks at two aces si Santiago.