Mga laro ngayon (Alonte Sports Arena)
11:30 a.m. — Chinese Taipei vs. Malaysia
1:30 p.m. — Opening Ceremonies
2:30 p.m. — Philippines vs. Hong Kong
5:00 p.m. — Indonesia vs. Kazakhstan
7:00 p.m. — North Korea vs. Iran

Plano ng Foton Pilipinas na dominahin ang u­nang dalawang laban nila sa group stage ng 2016 AVC Asian Wo­men’s Club Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan.

Kailangang kalusin ng Tornadoes ang Hong Kong at Vietnam para magkaroon ng momentum sa quarterfinals dahil paniguradong nakaabang sa kanila ang NEC Red Rockets ng Japan o Altay VC ng Kazakhstan.

Unang haharapin ng Tornadoes ang Pocari Sweat ng Hong Kong mamaya.

“We look at the quarterfinals as much as possible,” saad ni Foton Italian head coach Fabio Menta.

Sinabi rin ni Menta na kailangan maganda ang kanilang depensa para sumampa sa susunod na phase at makasabay sa mga matitikas na teams na nag-aabang.

“Blocking will be the key to the game,” ani Menta, “Hong Kong and any other teams will be a big obstacle if we do not perform at blocking. So, one game at a time, day after day, we can have our tallest player, Jaja (Santiago), understand the new schemes and improve the mechanism.”

Inamin ni Menta na hindi pa perfect ang kanilang paghahanda dahil hindi nakakasama ang ibang top players sa ensayo.

“We are working very hard on every single detail and everyone is focused,” ani Menta. “But Jaja trained only once while Jov (Gonzaga) trained three times. We will not be perfect.”

Nasa line-up ng Foton sina American imports Ariel Usher at Lindsay Stalzer, guest players Aby Marano ng F2 Logistics, Jen Reyes ng Petron at Jovelyn Gonzaga ng RC Cola-Army. Makakasama nila sina Santiago, Rhea Dimaculangan, Maika Ortiz, Patty Orendain, EJ Laure, Angeli Araneta, Bia General, Ivy Perez at Cherry Rondina.

Si Biñan City Mayor Arman Dimaguila ang magbubukas ng tournament sa opening ceremonies, sina Larong Volleyball sa Pilipinas, Inc. president Joey Roma­santa at Philippine Sports Commission chairman William Ramirez ang magbibigay ng opening remarks.