Tornadoes suko na sa semis

Mga laro ngayon (Alonte Sports Arena)
9:30 a.m. — HKG vs. MAS
11:30 a.m. — JPN vs. TPE
1:30 p.m. — CHN vs. PHI
4:00 p.m. — KAZ vs. IRI
6:30 p.m. — THA vs. VIE

Lalaro pa ang Foton Pilipinas para sa sudden-death quarterfinal round ng 2016 Asian Women’s Club Championship sa Alonte Sports Arena pero parang suko na si Italian coach Fabio Menta sa titulo.

Katapat ng Tornadoes ang power­house Ba’yi Shenzheng ng China mamayang hapon sa event na inorganisa ng Philippine Superliga, La­rong Volleyball sa Pilipinas, Inc., at city government ng Biñan.

“China is going to win the gold medal. Nobody can beat them,” pahayag ni Menta.

Inamin ni Menta na mahirap ka­labanin ang Great Wall ng China pero hindi sila takot na labanan ng sabayan ang koponan na tumalo sa defending champion na Bangkok Glass.

“We’re not afraid to say that ‘we know we’re going to lose tomorrow, so let’s work on this and that with a free mind.’ We know we don’t belong to the semis yet.

“But next year, if we qualify, it’s going to be an entirely different story,” saad ni Menta.