Ang unang NBA game, sa Toronto.
Babalik ngayon doon ang NBA Finals.
Itinatag ang liga noong June 6, 1946, unang tinawag na Basketball Association of America. Naging National Basketball Association noong Aug. 3, 1949 nang magsanib ang BAA at National Basketball League.
November 1, 1946 nang i-host ng Toronto Huskies ang New York Knickerbockers (haba noh?) sa Maple Leaf Gardens. Ito ang kinikilala ng NBA bilang kauna-unahang laro ng liga.
Ang unang basket ay ibinaon ni Ossie Schectman ng Knickerbockers.
Sa nag-iisang season sa liga, nagsumite ng 22-38 record ang Huskies.
Pagkatapos ng 73 taon, iho-host ng Toronto sa unang pagkakataon ang NBA Finals.
Biyernes (araw sa Manila) ang tipoff ng Game 1 sa pagitan ng Raptors at two-time defending champion Golden State Warriors.
Si Kawhi Leonard ang hinintay ng Raptors para makipag-agawan sa championship ring sapul nang sumali sa liga noong 1994.
Sa Toronto pa rin ang Game 2 sa June 3, lipat ang Games 3 at 4 sa Oracle Arena sa June 6 at 8 (mga araw sa Manila).
Game 4 o Game 6 (kung kakailanganin) sa June 14 ang final time na lalaro sa Oracle Arena ang Warriors. Pagkatapos ng season, mula Oakland ay lipat na sila sa bagong Chase Center sa San Francisco.
Toronto at Golden State ang two best teams ngayong season.
Unahan sa apat na panalo kung sino ang magtataas ng Larry O’Brien Trophy. (VE)