Taong 1976 nang yani­gin ni Asia’s first grandmaster Eugene Torre si former world champion GM Anatoly Karpov ng Russia.

Dumayo ang Russian champion dito sa Pili­pinas para lahukan ang Marlboro-Loyola Kings Challenge chess tournament at bukod kay Torre kasali rin sina GM Ljubomir Ljubojevic ng Yugoslavia at GM Walter Shawn Browne ng ­United States.

Tinalo ni Torre si Karpov sa second round ng nasabing four-man chess meet double-round robin kaya sumikat ng todo ang chess sa Pilipinas.

Muling magkikita ang dalawang kilalang chess players sa buong ­mundo para sa isang exhibition game.

Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez nakipagkita ito kay Maxin Ananyin ng Russian embassy para pag-usapan ang nasabing event na gaganapin sa Club John Hay sa ­Baguio City.

“The PSC will take care of the games and we are coordinating everything with the Russian embassy,” ani Ramirez.

Wala pang eksaktong petsa dahil pinag-iisipan pa kung sa Pebrero o Marso ng 2017 ang exhibition game nina Torre at Karpov.

Plano rin ni Ramirez na mag-imbita sila ng ilang chess enthusiasts­ sa event kasama si Sen. ­Manny Pacquiao.

One Response