Torres, Caloocan tinambangan ang Rizal

Limang bataan ni coach John Kallos sa pamumuno ni Thomas Torres ang tumabas ng 10 points above para sa Caloocan Supremos upang tambakan ang Rizal Xentro Mall G­olden Coolers, 92-78, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations Huwebes nang hapon sa Cuneta Astrodome, Pasay .

Humarabas si Torres 17 points, 6 rebounds at 6 assists, patagas si Almond Vosotros ng 15 markers, naka-11 pts. si John Carlos Escalambre, at may 10 puntos sina AJ Mandami at Damian Lasco para sa back-to-back win at umangkas sa triple-tie sa 11th spot

Kakartada ng Caloocan sa 3-5 ang Paranaque Patriots at Pasay Voyagers sa Group A South Division samantalang gulong sa panlimang kabit na taob para sa 1-5 at ika-15 puwesto sa 31-team tournament, kabilang ang 15 Group B North Division.

Dinomina ng Supremos ang buong laro, lumamang ng 19 points, samantalang ‘di nakatikim ng bentahe ang Rizal.

Ang iskor:

Caloocan 92 – Torres 17, Vosostros 15, Escalambre 11, Lasco 10, Mandani 10, Labing-Isa 7, Pacquiao 6, Ambulodto 5, Tongco 5, Gonzales 5, Sarangay 1, Marilao 0, Sanga 0, Demigaya 0, Jacaban 0.

Rizal 78 – Gregorio 28, Benitez 11, La-castesantos 10, Bacay 8, Raflores 6, Vidal 4, Leynes 3, Martin 2, Rios 2, Ombecan 0, Saliente 0, Casajeros 0, Inigo 0, Cabanog 0. (Aivan Denzel U. Episcope)