Tatlong taon bago i-host ng bansa sa pang-apat na pagkakataon ang 30th Southeast Asian Games 2019, aligaga pa rin ang Philippine Sports Commission kung saan sa tatlong lugar gagawin ang biennial sportsfest.

Sa nakalipas na linggo, siniwalat ni PSC chairman William Ramirez na ipasasama nila sa pagbuhay sa Philippine Sports Institute sa isang Executive Order na ipapalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtatayo ng Philippine Olympic City sa Clark na posibleng venue ng 2019 SEA Games.

Mas una nang ilang linggo, binanggit na niyang Metro Manila ang pinakapraktikal na maa­ring pagsagawaan, pero umeksena si Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco, Jr. na pwede ang Davao City na balwarte ni President Duterte.

Kahapon sa press briefing, lumilitaw na toss-up uli ang Metro Manila na may Rizal Memorial Sports sa Manila at PhilSports Complex sa Pasig at ang Davao City na kasalulukuyang may mga ginagawang sports facilities.

Lumitaw ito matapos bisitahin ni Presidetial sports adviser Dennis Uy ang Davao City, ang may ari ng Davao-based Phoenix Petroleum na isa ring team sa PBA.

“Manila is always ready,” giit naman kahapon ni Ramirez sa briefing  kasama sina commissioners Charles Maxey at Arnold Agustin, exeutive director Carlo Abarquez at executive assistant Ronnel Abrenica.

“Pero ‘pag natapos mga ginagawang facilities sa Davao, why not Davao?” aniya pa.