Total ban sa provincial bus sa EDSA arangkada sa Abril 3

Sa darating na Abril magpapatupad ng dry run ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa total ban ng mga provincial bus sa EDSA.

Ito ang inihayag kahapon ni MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija.

Ayon kay Nebrija, dry run muna ang gagawin nila para malaman nila ang talagang epekto nito kapag isinagawa ang total ban sa lahat ng provincial bus sa EDSA.

Nabatid na ang mga provincial bus na bumibiyahe mula sa norte ay magi­ging huling destinasyon ang ginawang integrated terminal sa Valenzuela City at mula rito ay lilipat ang mga pasahero sa bus na bibiyahe naman ng pa-Metro Manila.

Samantalang ang mga manggagaling sa southern part ay titigil sa Santa Rosa, Laguna integrated terminal at saka magtra-transfer sa mga city bus.

Ayon sa MMDA, nasa 46 provincial bus na nasa EDSA ang ipasasara para makabawas sa masikip na daloy ng trapiko.
Maglalagay ng harang sa buong EDSA maliban lamang sa mga designated loa­ding-unloading area.

Ang hakbanging ito ay bunsod sa prog­rama ng pamahalaan na magkaroon ng total traffic reduction sa Kalakhang Maynila.