Ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng total ban para sa mga nais pumasok sa Pilipinas mula sa mga bansang may naitalang kaso ng coronavirus disease-19 o COVID-19.
Sinabi ng Pangulo na kung malusog naman at hindi nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ang isang tao ay walang dahilan para pagbawalang makapasok ito sa bansa.
“No I cannot do that. No country can do that. If the guy is healthy, why would you? You cannot so that. There cannot be a total travel ban and you do not allow anybody to enter.. you are going to lockdown the entire Philippines for that,” anang Pangulo.
Iginiit ng Presidente na ang mga hindi lamang papapasukin sa bansa ay yaong mga may kaso ng nasabing virus na nagmula sa ibang bansa.
“For those who have been identified from other countries, then that is the time that we can raise the objection of his entry,” dagdag ng Pangulo. (Aileen Taliping)