Totoy nahulog sa building ng city hall

Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang isang hindi pa nakikilalang batang lalaki makaraang mahulog mula sa itaas ng Makati City Hall Building kamakalawa nang gabi.

Patuloy ngayong inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa pagitan ng 10-15 anyos.

Sa report ng Makati City Police, alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa Building 2 ng Makati City Hall.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga pulis sa buong pangyayari kung paano nalaglag ang batang lalaki at kung saang lebel ng gusali.

Nagtamo ng matitinding pinsala sa kanyang katawan ang biktima na isinasailalim sa medical procedure para mailigtas sa kapahamakan. (Armida Rico)