Swak sa kalaboso ang isang 26-anyos na bading matapos ireklamo ng isang 12 taong gulang na batang lalaki ng panggagahasa sa Navotas City kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni PO3 Jennylyn Manabat ng Navotas Police Community Precinct (PCP) I – Women and Children’s Protection Desk (WCPD) alas-nuwebe ng gabi nang maganap umano ang insidente sa mismong bahay ng biktimang itinago sa pangalang Bowie, 12-anyos, grade 6 ng Tanza Elementary School.
Mahimbing umanong natutulog ang batang lalaki nang pasukin ng suspek na nakilalang si Lynard Granil, 26-anyos ng Chungkang Street ng nasabi ring lugar ang kanilang bahay at nang makitang natutulog ang biktima kahit pa katabi lang nito ang isa pang kapatid ay ginising niya ito at pwersahang binitbit sa madilim na bahagi ng kanilang bakuran.
Doon na umano niya ito sapilitang hinubaran ng pangibabang kasuotan at ginawan ng kahalayan.
Hindi umano nakapalag ang biktima dahil sa takot na saktan siya ng bading.
Matapos ang insidente ay agad ding umalis ang suspek habang mabilis namang nagsumbong sa kanyang ina ang biktima.
hindi kasi binigyan ng pera, gagong beki kaya nagsumbong ang kawawang bata eheheheeh