Totoy tigok sa Mobile Legends

Ang pagkalulong sa online game na Mobile Legends o ML ang itinuturong dahilan ng isang ama kaya tuluyang bumigay ang katawan ng may sakit na anak sa lalawigan ng General Santos City.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Ashton Kyle Alferez, 15-anyos, taga-Purok 5, Brgy. Katangawan, ng nasabing lugar.

Bago nasawi ay itinakbo pa sa opital ang binatilyo dulot ng pananakit ng katawan nito at pagkahilo.

Sa pagsusuri ng mga doktor ay nabatid na may leukemia ang biktima kung saan sa kasagsagan ng lockdown dulot ng coronavirus disease ay naging pampalipas-oras nito ang ML.

Sa report ay lumilitaw na sa sobrang pagkakadarang sa laro ng biktima ay napupuyat na umano ito at nalilipasan minsan ng gutom hanggang sa makaramdam ng panghihina at tuluyang bawian ng buhay.