TOUCHDOWN KAZAKHSTAN

Makalipas ang 35-oras na biyahe mula Pilipinas hanggang Istanbul, dumating na nitong Martes ang Rebisco-PSL Manila squad sa Ust-Kamenogorsk sa Kazakhstan, venue ng Asian Women’s Club Volleyball Championship na papalo sa Huwebes.

Pangungunahan ni Rachel Anne Daquis ang 14-player team tampok ang core ng PHL squad na isasabak sa Southeast Asian Games.

“We will be going all-out here because we want to gauge the team,” lahad ni head coach Francis Vicente. “From here we would know how to go about preparing for the SEA Games.”

Sasagupain nila ang top clubs mula Japan, China, Iran, Chinese Taipei at host Kazakhstan, at ang mga katapat sa SEAG na Vietnam at Thailand.

Nabuo sa Rebisco-PSL Manila sina skipper Mika Reyes, Jaja Santiago, Aby Marano, Kim Fajardo, Denden Lazaro, Bia General, Lourdes Clemente, Maika Ortiz, Gen Casugod, Ces Molina, Aiza Pontillas, Rhea Dimaculangan at Jovelyn Gonzaga.

Ito na raw ang strongest team na nabuo para sa torneo, base sa assessment ni team manager at Philippine Superliga director Anna Tomas hinggil sa team na suportado ng Asics at GrandSports.

Ayon kay Daquis, kailangan nila “big fighting heart” sa pagsagupa sa mga bigating katunggali.