Ipinroklama ng Oxford Dictiona­ries ang salitang ­‘toxic’ bilang salita ng taon.

Ayon sa Oxford, maraming pinagga­mitan ang salitang “toxic” ngayong taon bilang deskripsiyon ng mga pinag-uusapan na topics.

Sa isinagawang pananaliksik ng researcher, ang salitang ‘toxic’ ang paulit-ulit na ginagamit bilang descriptor kaya napili itong ‘word of the year.’

Ang salita ay 45 porsiyento sa dami ng bilang na tiningnan ito sa Oxford Dictio­nary website ngayong 2018.
Inihalimbawa ang paggamit nito sa isang poisonous relationship, kapaligiran, malimit sa mapa­nganib na workplace, at masculinity.

Ang toxic ay pinakahulugan bilang ‘poisonous’ o nakakalason at unang nakita sa English noong mid-seventeenth century at nagmula sa medieval Latin ‘toxicus,’ na ang ibig sabihin ay ‘poisoned’ o ‘imbued with poison.’