Patay ang isang stay-in laborer matapos ma­ngisay nang aksidenteng makuryente sa isang live wire makaraang tangkain nitong tanggalin ang nakasaksak niyang battery charger kahapon nang madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Hindi na naisalba sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Dexter Abelgos, tubong Bgry. Miguel, Mojica Mendez, Cavite City at stay-in sa Laperal Building­ sa C.M Recto Avenue.

Ayon kay P/Sgt. Marlon Dee, imbestigador ng Manila Police District -homicide section, alas-kuwatro ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa ground floor ng Laperal Building.

Bigla na lamang umanong nagkikisay ang biktima nang nadikit sa isang kawad ng kur­yenteng talop at nakadikit sa isang stainless.

Nalaman na tinangka umano ng biktima na tanggalin ang battery charger ng kanyang cellphone pero aksidente itong napadikit sa live wire.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Archangel funeral para sa awtopsiya.