Trabaho Center swak sa mga bagong graduate – Bam

Ipinaalala ni Senador Bam Aquino ang pangangailangan na maitugma ang kakayahan ng mga manggagawa sa mga iniaalok na trabaho sa merkado upang malunasan ang unemployment problem sa bansa.

“Kailangang pagtagpuin ang mga kumpanyang naghahanap ng emple­yado at ang mga taong naghahanap ng trabaho,” saad ni Aquino.

“Kaya pagkatapos ng Libreng Kolehiyo, isusunod natin isusulong ay ang batas para sa siguradong trabaho sa pamamagitan ng Trabaho Centers,” dagdag ng senador.

Naninidigan si Aquino na ang Trabaho Center Bill ang maituturing na best reform sa Free College Law upang matiyak ang trabaho sa lahat ng mga nagsipagtapos ng kolehiyo.

“Ang bawat Pilipinong nakinabang sa libreng kolehiyo ay dapat may siguradong trabaho. Iyan ang sisigiruhin natin kung papalarin tayo ng isa pang termino,” diin ng mambabatas.

Layun ng panukala na magtatag ng Trabaho Centers o Job Placement Offi­ces (JPOs) sa public high schools at state universities and colleges (SUCs) upang malunasan ang skills mismatch at matiyak ang employability ng mga estudyante sa kanilang pagtatapos. (Dang Samson-Garcia)