Kung mayroong dapat ibigay si Pangulong Rodrigo Duterte sa sambayanang Filipino ay trabaho at kabuhayan at hindi karahasan tulad nang nangyayari ngayong patayan sa gitna ng kanyang giyera kontra ilegal na droga.
Ito ang iginiit ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na ang grupo ay nagsagawa ng sariling kilos protesta sa Labor Day o Araw ng Paggawa kahapon sa Mendiola, sa Maynila.
“Kabuhayan at trabaho ang dapat ibigay sa atin ng Pangulo at hindi itong karahasan,” ani Villarin na ang tinutukoy ay ang patuloy ng paglobo ng bilang ng mga namamatay sa giyera kontra ilegal na droga.
Naniniwala ang mambabatas na kung may hanapbuhay at pangkabuhayan ang mga mamamayan ay mababawasan kundi man mawala ang problema sa ilegal na droga at kriminalidad.
Pinaalalahanan naman ng liderato ng Kamara ang mga employers na sumunod sa batas ukol sa minimum wage dahil mahaharap ang mga ito sa parusang apat hanggang anim na taong pagkakabilanggo bukod sa multang hindi bababa sa kalahating milyong piso kapag lumabag ang mga ito sa bansa.
“Labor workers are ‘a company’s greatest asset’ according to businesswoman Anne Mulcahy, and these assets should receive the right wages and benefits they so rightfully deserve,” paalala ni House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez.
Hindi pa matatapos sa pagkakakulong at multa ang ipapataw sa mga abusadong employers dahil pagbabayarin ang mga ito ng doble sa sahod na hindi nila ibinigay sa kanilang mga empleyado bukod sa iba pang danyos at perhuwisyo.
nakakabingi na at ang sagwa na ng kaiik-ikan ninyo tongresman!