Sisilipin ng Senado ang charter ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang maberipika kung ano talaga ang papel nila sa gobyerno.
Ito ang aksyong gagawin ng Senate committee on public services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe habang tinatalakay ang panukala sa pagkakaloob ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte upang maresolba ang transport crisis sa Metro Manila at iba pang panig ng bansa.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Poe na sabog ang trabaho ng MMDA dahil lahat na lang yata ng problema ay sinasalo nila.
“Sa tingin ko talaga, unang-una, kailangan rebisitahin iyan. Tingnan kung ano ba ang mandato talaga nila, hanggang saan sila,” wika ni Poe.
“Kasi po kung naaalala ninyo, ang MMDA noon maraming ginawa pero parang sabog-sabog.
Noong nagkaroon ng Yolanda, sila ata ‘yung may water filtration system na dinala sa Leyte.
Okay lang naman iyon, tumutulong sa kapwa. Pero ‘di ba dapat NDRRMC ang mayroon niyan? Or DSWD?” paliwanag pa ng senadora.
Hindi rin malaman ni Poe kung bakit sumasawsaw din ang MMDA sa taunang Metro Manila Film Festival (MMFF).
dapat ihiwalay ang MMFF sa mmda dapat sakop na nyan ng optical media board at yung mmda dapat sa manila lang