Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Department of Labor and Employment (DOLE) na may trabahong naghihintay para sa mga Filipino sa bansang Canada.
Ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Maria Andrelita S. Austria, nangangailangan ng manggagawa ang katimugang probinsya ng Canada.
Base sa Philippine Consulate General sa Vancouver, malaking porsiyento na may labor shortage sa transportation industry sa nasabing bansa bunsod ng maraming mamamayan nito ang nagreretiro, lumilipat ng probinsya, at ang iba ay pumapasok sa international trade.
Sakop ng Western Canada ang mga probinsya ng Alberta, British Columbia, Manitoba, at Saskatchewan.
Sinabi pa ni Austria na ang transportation industry sa nasabing mga probinsya ay nangangailangan ng mahigit sa 36,000 manggagawa.
Idinagdag pa nito na ang British Columbia (B.C.) ay umaasang makakatulong ng malaki ang mga dayuhang manggagawa para mapunan ang kakulangan ng 27 porsiyentong workforce nito.
Samantala, ang air pilots, flight engineers, at flying instructors sector ang nangangailangan ng pinakamalaking foreign workers.