Inanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na bibi­sitahin nito ang China at Russia para mabuksan ang ­Pilipinas sa pagpasok ng mga investor na Chinese at Russian.

Ayon kay Pangulong Digong, nagkaroon na sila ng talakayan ni Russian Prime Minister Dmitry Medvedev.

Sa kabila nito, klinaro ng Pangulo na hindi ito tuluyang magsusuplado o puputulin ang ugnaya­n sa Amerika, pero sisimulan na, aniya, ang trade a­lliances ng Pilipinas sa pagitan ng Russia at China.

“I had a good talk with the prime minister, Medvedev.­ He is there awaiting for my visit.

After China I will go to Japan and I’ll go to Russia,” sabi ni Pangulong Duterte sa isang okasyon nitong Lunes.

Kabilang sa bubuksan sa mga Ruso at Intsik ay ang sektor ng telecommunications at commercial aviation.

“May kapital kayo? You want to put up an airline­ here? Shipping here? You want land?

Sixty years plus another 60 years. That is like a lifetime, more than. After 60 years, ‘di mo na kailangan ‘yan factory­ mo,” sabi ni Pangulong Digong.

Binanggit din ni Pangulong Digong na hihilingi­n nito sa Chinese leaders na payagan ang mga Pinoy na makapangisda sa Scarborough Shoal na traditional fishing ground para sa mga Filipino.

“It is ours. If we are not really ready to talk about it, a hard sell, then I’ll just say that ‘allow my countrymen to fish there because it means food security’,” ayon pa sa Pangulo.