Niratrat to death ang isang negosyante ng hindi nakilalang mga kalala­kihan sa Tondo, Manila kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Dennis Cruz, 42-anyos, may live-in partner ng 2845 Juan Luna Street., Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.

Samantala ay inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa suspek na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa report ni Det. Ronald Gallo ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, alas-7:10 ng gabi nang naganap ang pamamaril sa harapan ng pag-aaring DC Modifier Auto Shop ng biktima sa 2819 Juan Luna Street., Tondo, Manila.

Ayon sa salaysay ni Dennis Lapid, 31-anyos, stay-in helper ng auto shop, nakatayo ito sa tapat ng nasabing shop nang nakarinig ng putok ng baril kung saan laking gulat nito nang makitang duguang nakabulagta ang amo nito.

Mabilis na isinugod ang biktima ng live-in partner nito na si Joney Abad subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy na inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pagpatay sa biktima.