Nakatakdang i-deputize ng Land Transportation Office (LTO) ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) para makapag-isyu ang mga kagawad nito ng citation ticket laban sa mga lumalabag sa batas trapiko.
Ayon kay PNP-HPG director PBGen Roberto Fajardo, may 100 tauhan na nila ang itatalaga para tutukan ang EDSA sa posibleng limang minutong biyahe mula Quezon City hanggang Makati City.
Maliban aniya sa 100 tauhan, may nakahanda rin silang 50 BMW motorcycle.
Posible naman aniya ang limang minutong travel time mula Quezon City hanggang Makati pero kapag off-peak hours lamang.
Aminado si Fajardo na ang pinakamahalaga pa ring paraan upang maibsan ang mabagal na daloy ng traffic sa EDSA ay ang disiplina ng mga driver. (Riz Dominguez)