TRAGEDY

Cesar Montano

“HONOUR thy father and thy mother.”

Isa iyan sa Ten Commandments at ang nakakaloka, in this time of the Millennials, of high end gadgets and social ­media, ang utos na ito, it is slapping us all hard with a vengeance.

There are two sets of father and son, na super broadcast ang lambingan at away sa news at social media.

The first set, sina Pre­sidente Digong Duterte at Sebastian Duterte.

Si Presidente ­Digong, ginagamit ang kanyang mga public speaking engagements para parunggitan ang ­bunsong si Baste. Absentee father na raw kasi ito at ang dahilan, mas maraming time, love & tenderness na ibinibigay ang bunsong Duterte kay Ellen Adarna.

Sa patuloy na pagpitik ni Pres. Digong kay Baste, hindi kaya si ­Sebastian ang male Kris Aquino of the ­Millenials?

Tila mahilig ang binatang barako sa mga complicated relationships na dati eh hilig na hilig ni Tetay.

Kung ang the late President Corazon Aquino, dinadaan sa pagrorosaryo at paghingi ng guidance sa Pink ­Sisters ang mga kawindang-windang na ­romances ni Krissy, with fervent prayers of course para Kristine Bernadette will rise above all her shallow romantic pursuits, si Pres. Digong ay walang keber na ibulatlat sa speaking engagement ang romantic entanglement ni Baste.

What gave this father and son set a more endearing, if not an entertaining twist, eh ‘yung paglalambing ni Baste sa papa niya na si Chokoleit ang mas pagalitan dahil mas grabe ang mga ginagawa nito.

Alam na alam ni bunsong Duterte how to humor his dad at yes oh yes, when it comes to his family, pusong mamon si Presidente Digong.

With Pres. Digong at Baste, we all know na maayos ang kahihinatnan nito.

Every thing will fall into place and who knows, baka ang best friendship that Baste and Ellen are ­currently ­carrying will do them good and that it will lead into something better.

Pwede nilang gawing how do you keep the music playing ang kanilang resolve or pwede rin ang now we’re starting over again ang dramarama nila.

Win-win kahit saang anggulo tignan.

***

Cesar Montano
Cesar

Ang kina Cesar Montano at Diego Loyzaga ay mas dramatic, mas explosive at ang daming story arcs na pwedeng gamitin sa isang Greek drama.

Wish ko lang hindi ito mauwi sa tragedy kundi comedy of errors lang ito kung saan ang bawat kiliting hatid, nakakapagbukas ng kamalayan at pag-iisip.

Hindi ko na uulitin pa kung ano ang mga aria ni Diego against his dad dahil deleted na ang ­nasabing posts.

It was an ­emotional outburst, of course. It was also a cry for help. It was Loyzaga’s manner of shaking the status quo that he is in.

Matapos i-delete ang kanyang dramarama posts, ang pinagkakaabalahan naman ni Diego ay sagutin at awayin ang bashers niya.

May influence ba of the planet Mars ang kanyang astrological sign kaya in full ­combative mode ang binata ni ­Montano?

My only prayer now is that sana, Diego Loyzaga’s mother intervenes at siya ang maging link para maayos ang kaguluhan na ito.

Kahit pa young adult na si Loyzaga, minsan, a mother’s loving embrace and words of wisdom can soothe all pains.

Dapat mag-usap-usap sila privately at huwag nang gamitin ang social media para ma­bigyan solusyon ang malaking tampuhang ito.

Lagi akong nana­nalig when a child snaps back at his parent, may ­malalim at matinding dahilan.

At kesa kundenahin siya na walang utang na loob at walang kwentang anak, ang magulang ay dapat na mas unawain ang bata, no matter how old he is, at simulan ang pakikipag-usap.

Walang hindi naaa­yos sa pag-uusap na “tayo-tayo lamang, pamilya tayo, ayusin natin ito.”

Hindi tayo close kina Cesar at Diego to finger point na sino ganito at si ganire ang may mas ma­laking atraso o kasala­nan.

Blood is always ­thicker than water.