Nadilig ng dugo ang bisperas ng kapistahan sa isang barangay sa Lambunao, Iloilo matapos na magpang-abot ang dalawang magtiyuhing magkaaway.
Dalawa ang nasawi habang dalawa ang sugatan sa pananaksak na ginawa sa sayawan sa Barangay Maribong, Lambunao, Iloilo ng suspek na si Rey Castor.
Napag-alaman kay PO2 Jessie Fusin ng Lambunao Police, bisperas ng fiesta sa lugar nang mangyari ang insidente.
Nagkaroon umano ng tensyon sa pagitan ng suspek na si Rey at ang pamangkin na si Randy Castor kung saan nagkainitan ang dalawa hanggang sa umuwi at pagbalik sa sayawan ay sinaksak ang pamangking si Randy na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Maliban kay Randy, 25, ay kasama rin nitong napatay ang kaibigang si Jerson Ponte, 18.
Sugatan naman sina Gilbert Lozada, 20, at LJ Lozada, isang menor-de-edad dahil sa walang habas na pananaksak ng suspek.
Nauna rito ay nagkaroon umano ng tensyon sa pagitan ng suspek na si Rey at ang pamangkin na si Randy kung saan nagkainitan ang dalawa.
Nang magkainitan ay umuwi umano si Rey at pagbalik ay ginawa na nito pananaksak sa pamangkin na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Ang nasawi namang si Ponte ay namagitan lang sa away ng magtiyo.
Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Iloilo Police upang matukoy ang motibo ng nangyaring pananaksak na nauwi sa pagkamatay ng dalawa katao at pagkasugat ng dalawang iba pa.