Trak na walang driver bumulusok, barangay hall sinuro

By Rossel Calderon

Nakaparada lang ay nakaaksidente pa ang isang trak sa palusong na kalsada sa Barangay Hall ng Zone 3 lungsod ng Dasmariñas Cavite, pasado alas-tres nang madaling-araw kahapon.

Ayon sa kumuha ng video sa accident scene, nakaparada umano ang trak na may kargang sako-sakong feeds.

Pansamantala itong kinalsuhan ng driver at pahinante ng trak sa palusong na kalsada habang nagkakape ang mga ito.

Sa malas, dahil sa bigat ng karga ay bumigay ang kalso ng trak at tulu­yang bumulusok hanggang sumalpok sa Barangay Hall.

Bunga ng insidente’y nawasak ang unahang bahagi ng trak, at wasak din ang bahagi ng Barangay Hall na sinalpok nito.

Kinailangan pa umano ng tow truck para maialis ang sumalpok na sasakyan sa barangay hall.