Trak umiwas sa checkpoint, bahay inararo

Dahil sa pag-iwas sa mababanggang checkpoint na may mga tao, sa isang bahay sumalpok ang trailer truck sa Ramos West, San Isidro, Isabela.

Ayon kay San Isidro Police Station (SIPS) chief-of-police P/Capt. Joel Bumanglag, kinilala ang truck driver na si Ramil Galano, 42, may-asawa, ng Amulung, Cagayan.

Samantala, ang mag-ari ng bahay ay kinilalang si Bobbykins Paciente, ng Ramos West, San Isidro ng nasabing lalawigan.

Base sa report ng SIPS, ayon kay Bumanglag, galing ang truck na minamaneho ni Galano sa Santiago City at binabagtas ang kalsadang sakop ng San Isidro, Isabela.

Ayon sa pulisya, dahil sa mabilis na takbo ng truck at sa madulas na daan ay nawalan ito ng kontrol sa sasakyan.

Sinabi ni Bumanglag, iniwasan ng driver ng truck na masalpok ang checkpoint na may limang tao, kaya biglang iniliko pakanan ang truck at dito sumalpok sa bahay ni Paciente. (Allan Bergonia)