Transaksyon sa gobyerno dapat ilang oras lang – Duterte

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tanggapan ng gobyerno na pabilisin pa ang pro­seso sa mga transaksyon ng publiko sa kanila at tapusin ito sa loob lamang ng isang oras.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang talumpati sa closing ceremony ng National ROTC Summit at 1st Presidential Silent Drill Competition na ginanap sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Biyernes.

Matatandaang noong Mayo 2018 ay pinirmahan ng Pangulo ang Republic Act No. 11083 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Deli­very Act of 2018 para pabilisin ang mga proseso sa pagkakaloob ng serbisyo ng pamahalaan sa taumbayan.

Sa kanyang talumpati sa Quirino Grandstand, inulit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ultimatum para sa mabilis na pro­seso ng mga transaksyon sa pamahalaan.

“I’m warning again the bureaucracy. Dito man ang mga secretary, madali man nila. I do not want papers to be acted by days. I want it by hours,” anang Pangulo.

“If you are a director, do not hang on it. Huwag mong upuan ‘yan kasi pabalik-balikin mo ang tao hanggang bumigay ng pera,” dagdag pa nito. (PNA)