Transparent na pamumuno

Hindi man natin ganap na makakamit ang mga inaasam sa ilalim ng nilagdaang Executive Order (EO) sa Freedom of Information (FOI) ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil ang ehekutibo lamang ang saklaw nito pero magandang simulain ito upang magkaroon ng transparency sa mga transaksyon sa gobyerno na siyang ­pangunahing misyon ng pagsusulong sa FOI.

Sa nasabing EO ang lahat na tanggapan ng gobyerno sa ilalim ng ehekutibo ay maaaring magbigay ng impormasyon, official ­records at iba pang public documents sa sinumang Pinoy na gustong makakuha nito.

Dahil dito asahan natin ang gagawing pagpupursige ng Kongreso na maisabatas ang FOI upang masakop ang lahat kabilang ang lahat ng antas ng burukrasya.

Gayunman, kabilang kami sa sumasaludo sa napakahalagang aksyong ginawang ito ni Pangulong Duterte sa FOI.

Napakahalang pinirmahan ni Pangulong Duterte ang EO ng FOI dahil pagpapakita ng kanyang
pagtataguyod sa karapatan sa impormas­yon na unang hakbang para sa isang mas 07-26-2016-foitransparent na pamumuno na siya naman talagang adhikain ng gobyernong Duterte.

Ang mahalaga sa puntong ito ay gumawa si Pangulong Duterte ng inisyatibo upang magkaroon ng kaganapan ang matagal na nating inaasam na pagkakaroon ng FOI at sana ay maging inspirasyon ito sa Kongreso upang bigyang-panahon at atensyon ang pagsasabatas ng FOI Bill na mahabang panahong ding isinantabi dahil sa personal na interes ng ilang opisyal ng gobyerno.