Transport group lahat disiplinahin, hindi lang TNC

Dismayado ang mga mambabatas sa Kamara kay Land Transportation Franchising ang Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra III, dahil ipinapasa nito sa mga commuters ang responsibilidad nilang disiplinahin ang transport group partikular ang taxi, pampasaherong bus at jeep.

Ginawa ni Angat Tayo party-list Rep. Neil Aba­yon ang pahayag dahil sa pananaw umano ni Delgra kaya hindi nadidisiplina ang mga abusadong taxi, bus at pampasaherong jeep ay dahil hindi ipinaglala­ban ng mga commuters ang kanilang karapatan.

Taliwas ito sa aksyon ng LTFRB laban sa Uber kung saan seryoso ang mga ito sa pagdisiplina sa nasabing Transport Network Company na pinagmumulta ng P190 million kapalit ng isang buwang suspensyon sa kanilang operasyon.

“In Chairman Delgra’s mind, it seems taxis can get away with violations because we commuters are not assertive enough but TNVS must be penalized outright by the LTFRB because they do not comply with the law and LTFRB directives,” ani Abayon.

Maging si Bagong Henerasyon (BH) party-list Rep. Bernadeth Herrera-Dy ay hindi naitago ang pagkadismaya kay Delgra lalo na’t hindi lahat aniya ng commuters ay abogado o kaya may alam sa batas.

“Chairman Delgra wants us to believe that the burden of enforcing the law should be primarily on every commuter, who by the way have already been reporting via social media the pictures and vi­deos of tax drivers viola­ting the terms and conditions of their provisional authority and certificate of public convenience,” ayon kay Herrera-Dy.