Travel ban pinag-aaralan Pinoy sa South Korea binabantayan sa COVID-19

Kinukumpirma pa ng Department of Health (DOH) at Department of Foreign Affairs (DFA) ang ulat na may isang Pilipino sa South Korea na nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Sa isang press ­briefing, sinabi ni Ma. Rosario Vergeire na ina­alam pa nila ang ulat na ang Pilipino na nagposi­tibo sa COVID-19 ay nagkaroon ng direct contact sa isang Chinese national.

Wala pa umanong ulat ang Philippine Embassy sa SK kaugnay sa sumbong na may Pilipino na nagpositibo sa COVID-19.

Nalaman na sa SK ay may naiulat ng 763 nagpositibo sa CO­VID-19.

Kaugnay nito, pinayuhan ng DFA ang mga biyaherong Pilipino na iantala o iurong muna ang kanilang nakatakdang biyahe sa SK bilang preventive measure upang makaiwas sa COVID-19.

Nalaman kay Christian De Jesus, consul general ng Philippine Embassy sa Seoul na mahigit 2,000 Pilipino ang nagtatrabaho at nanunuluyan sa lalawigan ng Gyeongsang at may 1,600 ang nakabase sa provincial capital ng Daegu kung saan naitala ang pinakamaraming kaso ng CO­VID-19.

Samantala, pag-aaralan pa raw ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ang panawagang magpatupad ng travel ban sa SK dahil sa patuloy na pagtaas ng mga COVID-19 case sa nasabing bansa. (Juliet de Loza-Cudia/ Prince Golez/Aileen Taliping)