Travel ban sa solons

Sa mga kongresistang mahilig bumiyahe habang nakasesyon ang Kamara, watch out!

Ito ay dahil hindi na papayagan ni House Speake­r Pantaleon Alvarez ang anumang request to travel ng mga mambabatas sa loob o sa labas man ng bansa habang may sesyon ang Kamara maliban na lamang kung emergency cases.

Ayon kay Alvarez nakakahiya sa taumbayan kung liliban pa ang mga mambabatas sa sesyon dahil may nakaiskedyul na biyahe.

Mahaba naman umano ang bakasyon kapag ­naka-recess ang Kamara kaya dito na lamang iiskedyul ang travel.

Kung emergency cases naman umano ay papayagan nito gaya sa kaso ni Surigao del Norte Rep. Francisco Matugas na binigyan niya ng travel authority dahil namatay ang kanyang tiyuhin.