Binigyan ng ­travel perks ang may 7.5 ­milyong senior citizens sa bansa upang makabiyahe ang mga ito habang ine-enjoy ng mga ito ang kanilang retirement na walang masyadong alalahin sa mga gastusin.

Ito ang nakapaloob sa House Bill 2620 na inakda ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza na kanyang tinawag na Grander Benefit sa mga lolo at lola o mga senior citizens.

Kapag naipasa ang panukala, mula sa 20% discounts sa pasahe ng mga lolo at lola sa ­barko at eroplano ay ­gagawin na itong 50% at ililibre rin sa pagbabayad ng P950 hanggang P1,200 passport processing fee; P1,620 na travel tax at airport tax kapag bumiyahe ang mga ito sa ibang bansa.

“We owe our senior citizens a great deal. They have spent the most productive years of their lives contributing to the eco­nomy through their hard work, while ­dutifully paying their tax obligations.

It is only fitting that we repay them ­generously ­during their golden years,” ani Atienza sa kanyang panukala.

Ginawa ito ng mam­babatas para magkaroon ng pagkakataon ang ­lahat ng mga senior citizens na muling makasama ang kanilang mga pamilya’t kaibigan na naninirahan sa iba’t ibang lugar.

“…or to simply ­enjoy our natural wonders, is one sure way to offer them a superior quality of life after retirement,” ayon pa sa mambabatas at hindi tulad ­ngayon na karamihan sa mga lolo at lola ay nasa ­bahay ­lamang dahil magastos para sa mga ito ang ­bumiyahe.

Sa ngayon ay ­bukod sa 20% discount sa ­pasahe ay libre sa 12% value added tax (VAT) ang mga senior citizens subalit nais ng ­gobyerno na bawiin ang libreng ­buwis sa mga ito sa ilalim ng Tax Reform Package na dinidinig ngayon sa Kongreso.

One Response

  1. Ipasa na yan…para naman maka-tipid ako sa Trip namin sa Thailand…..malaking tulong yan sa aming mga mahihirap na paminsan-minsan nag tu Tour sa ibang bansa…bwahahahhaahah