Travis nag-TVMagnolia kinahig ang NothPort

Travis nag-TVMagnolia kinahig ang NothPort

Mga laro ngayon sa Smart Araneta Colisem
4:30 pm Rain Or Shine vs TNT Katropa
7:00 pm Phoenix Pulse vs Barangay Ginebra

Pinamalas ng defending champion Magnolia Pambansang Manok ang matinding depensa sa ikalawang yugto upang ahunan ang nine points down at kahigin ang 96-80 panalo kontra NorthPort sa 44th Philippine Basketball Association Governors Cup 2019 eliminations Biyernes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

‘Di hinayaan ng Hotshots na muling magkulapso tulad sa unang laro na nabitawan ang 16 puntos na abante tungo sa 92-98 loss sa Meralco sa nakaraang Sabado.

Dito pagkahabol sa nine-point deficit, lumamang ng hanggang 32 ang Hotshots tungo sa pagparehas sa baraha ng biktimang Batang Pier sa 1-1 sa likod ni best player of the game Andy Mark Barroca na may 16 points, 3 assists, 2 blocks at 1 rebound.

Mahalagang agapay iyon sa career-best 28 markers at 9 boards ni Ian Sangalang at muntik na triple-double ni Romeo Travis na may 17 pts., 12 rebs. at 9 feeds.

Itinabla ng floating jumper ni Sangalang ang 23-all, may 10:37 sa second quarter bago bumuhos ng 30 puntos ang Magnolia upang itala ang 23 puntos na abante at ‘di na lumingon pa, umabot pa sa 32.

“Iyun nga po, sinabi sa amin ni coach (Chito Victolero) na bantayan ang main man ng Batang Pier na si (Robert) Bolick (Jr.) kaya nalimitahan namin sila,” ani Barroca.

Ang iskor:

Magnolia 96 – Sangalang 28, Travis 17, Barroca 16, Dela Rosa 10, Jalalon 6, Reavis 5, Abundo 5, Melton 3, Lee 3, Brondial 2, Pingris 1, Simon 0, Herndon 0.

NorthPort 80 – Ammons 18, Ferrer 18, Mercado 9, Tautuaa 9, Bolick 7, Elorde 6, King 5, Escoto 3, Cruz 2, Taha 2, Lanete 1.

Quarters: 22-16, 53-31, 82-52, 96-80. (Lito Oredo)