NAG-VIRAL ang throwback video ng Eat Bulaga kung saan makikita sa crowd sa barangay si Liza Soberano.

Nangyari ito bago pa nag-showbiz si Liza, na mukhang nu’ng time na ‘yon ay nakatira sa barangay na binisita ng ‘Juan for All, All for Juan’ segment ng JoWaPao.

Nakatayo sa may kalye si Liza at may hawak na sachet ng shampoo.

Nang mamigay pa ng shampoo sa crowd ang promodizer ay natulak-tulak si Liza papunta sa may harapan.

Neneng-nene ang Kapamilya star sa throwback vid na ku­malat sa Facebook.

Mga 12 o 13-anyos si Liza nang magsimulang mag-showbiz.

Sinong mag-aakala na ‘yung dating nanonood lang ng Eat Bulaga at tinutulak-tulak ng mga tao sa barangay ay magiging big star?

Ngayong 19-anyos na si Liza ay isa na siya sa mga prinsesa ng Kapamilya network.

Sey ng netizens, noon pa man ay mukhang mabait na bata na si Liza dahil kahit tinutulak-tulak na ito ay nakangiti pa rin.

At kaya raw siguro ito pinatayo sa harapan ay dahil lumutang ang beauty nito sa crowd at nagandahan dito ang cameraman.

“Still the same ang face, no retoke. Siya pa natulak sa front row. Haha!” sey ng isang nag-comment.

Hirit ng isa pang netizen, “Oh, alam na mga beshie! ‘Pag may segment ng JFAAFJ sa barangay, huwag mag-atubiling pumila.

“Malay mo, ikaw na ang next Liza Soberano?! PAK! GANERN!!”