WAGI ang grupong Tres Kantos sa We Love OPM Celebrity Edition noong Sunday night sa Newport Performing Arts Theater.
Deserving silang manalo dahil consistent ang galing nila sa kanilang performance.
Ewan kung mabubuhay nito ang solo careers nina Bugoy Drilon, Jovit Baldivino at ang “Tawag Ng Tanghalan” favorite na si Dominador Aviola.
***
“Sobrang saya, kaba, excitement, happiness. Halo-halo, mixed emotions,” sey ni Bugoy.
Ayon kay Jovit, na nanalo sa unang season ng Pilipinas Got Talent, “Hindi namin talaga ma-explain ang nasa loob namin. Grabe, this is the second time na naging grand champion ako at ngayon sobra talagang naramdaman ko ulit ‘yung lumalaban.”
“Sobrang nagpapasalamat ako sa bumubuo ng programang ‘to. Bakit nandito ako ngayon, utang ko sa kanilang lahat,” sambit naman ni Dominador or Daddy D.
***
Nakakuha ang Tres Kantos (na sumailalim sa mentor na si Erik Santos) ng 80.45% na combined scores mula sa public votes at score na ibinigay ng music icon na si Maestro Ryan Cayabyab.
Nag-uwi ang grupo ng P2M, na ang kalahati ay mapupunta sa kanilang napiling charity, ang Casa San Miguel.
Tinalo ng Tres Kantos ang Oh My Girls na binubuo nina Ylona Garcia, Krissha Viaje & Alexa Ilacad.
Ang Oh My Girls na minentor ni Yeng Constantino ay 58.27% ang combined scores.
***
Nagkamit naman ng 57.78% ang O Diva na kinabilangan nina Emmanuelle Vera, Liezel Garcia & Klarisse de Guzman.
Ang mentor nila ay si KZ Tandingan.
***
Sama-sama muli ang mentors at celebriteams sa TV special na We Love OPM: Ang Soundtrack ng Buhay Natin sa Sabado (July 23), pagkatapos ng MMK sa ABS-CBN.