VE

Tahimik na pumuwesto sa sulok si Danny Green, parang nakalimutan ng Miami Heat.

Pinagbayad niya sila.

Humaginit ang wide-open 3-pointer ni Green sa final 22.7 seconds na naging game-winner na, at pinaganda ng Toronto Raptors ang NBA-best record sa 26-10 matapos nakawan ng panalo ang Heat 106-104 Miyerkoles ng gabi.

Tumapos si Green ng 18 points pangsahog sa game-high 30 points ni Kawhi Leonard.­ Nagdag­dag si Fred VanVleet ng 16 points.

Naligtasan ng Raptors ang pukpukang fourth quarter na tinampukan ng 12 lead changes at four deadlocks.

Nagkaroon ng tatlong tsansa ang Mia­mi sa final possession, pero sablay ang 3s nina Dwyane Wade at Justise Winslow, kabyos din ang huling tip-in ni Wade bago naubos ang oras.

Sinisi ni Wade ang sarili dahil na-open si Green.

“I’m not mad at the loss. I’m mad at the way I played,” giit ng veteran guard.

Nakalsuhan ang da­ting league-best five-game winning streak ng Heat, humugot ng 21 points mula kay Winslow. Umiskor ng 17 si Josh Richardson, may 16 si Hassan Whiteside. Tumapos si Wade ng 10.

Bumuka sa 17 ang lead ng Miami sa kaagahan ng third quarter bago nag-zone ang Toronto –depensang ginamit ng Heat sa kanilang winning run – at nag-iba ang takbo ng laro. Tatlong 3s ang pinakawalan ni VanVleet at may 11 points, nagdagdag si Leonard ng 10 sa 31-12 run ng Raptors sa last 8:10 ng quarter tungo sa 81-79 lead papasok ng fourth.