Tricycle ban sa major road inangalan

Dahil sa pagbaba­wal ng na dumaan sa major road inalmahan ng malaking TODA coa­lition sa Pilipinas ang tricycle ban sa mga tricycle sa iba’t ibang ba­hagi ng bansa.

Kaugnay nito ay hiniling ng grupo na dapat muna umanong ipati­gil ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang memo­randum circular na naglalayong ipagbawal ang mga tricycle na dumaan sa mga panguna­hing kalsada.

Iginiit ito ng National Capital Region (NCR) TODA Coalition, isa sa pinakamalaking asosasyon ng mga tricycle driver and ope­rator sa Pilipinas na umalma sa anila’y ay walang patumanggang panghuhuli sa kanilang hanay ng iba’t ibang law enforcement agency.

Ayon kay TODA Coa­lition President Ace Sevilla, hindi umano memorandum circular ang direkta nilang tinutulan pero hindi naman makatuwiran ang pang­huhuli hanggang hindi pa nakakagawa ng akmang ordinansa para rito ang mga LGU.

Sinabi ni Sevilla na sa Quezon City pa lamang anila ay umaga, tanghali at hapon kung sila ay hulihin ng mga MMDA at local traffic enforcer sa pagdaan sa Commonwealth Avenue.

Nabatid na ang P512 multa kada huli ay malaking pahirap umano sa pamilya na umaasa sa P700-P800 kita nila kada araw.