Isang traysikel drayber ang agad na nasawi nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Taft North, Mandurriao, Iloilo City Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Hernani Tipanan, 33, taga-Barangay Fajardo, Jaro ng nasabing lugar.

Ang biktimang nagtamo ng bala sa ulo at dibdib ay sinasabing sangkot sa iligal na droga at pagnanakaw.

Masusi pa ngayong iniimbestigahan ng Mandurriao Police Station kung may kinalaman sa iligal na gawain ng biktima ang pagpaslang at kung may iba pang motibo ang mga salarin.